Google Visitor Experience
Mga outdoor art
installation
Inaanyayahan ka naming tuklasin ang mga outdoor plaza artwork sa pamamagitan ng pag-usisa, paghawak, at paglalaro. Sa pamamagitan ng Burning Man Project, napili ang grupo ng anim na interactive at malikhaing artwork sa pakikipagtulungan sa lokal na komunidad ng Mountain View. Sa isang serye ng mga pagtitipon na nagbigay ng inspirasyon sa mga tema ng artwork, nakinig kami sa mga kuwento ng komunidad tungkol sa pakikipagsapalaran at pag-usisa noong pagkabata, natutunan namin kung paano inaalam ng mga tao ang kanilang kinaroroonan sa pamamagitan ng mga palatandaan, at nakarinig kami ng tunay na paghahangad ng mga experience na puno ng paglalaro. Umaasa kaming mapapahusay ng bagong outdoor art space na ito ang mga ugnayan ng lahat at makakabuo ang mga ito ng mga koneksyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng interactive at dynamic na sining.
Indoor art
collection
Kinikilala ng programang Artist in Residence ng Google ang mga artist bilang mahahalagang innovator na nagpupukaw ng pagkamalikhain sa mga komunidad kung saan tayo naninirahan at nagtatrabaho. Nagko-commission kami ng mga artist para gumawa ng mga orihinal na artwork sa mga Google space sa buong mundo, at pinapalakas ng kanilang artwork sa mga lugar tulad ng Google Visitor Experience ang mga layunin ng programa na pagbuo ng komunidad, pagpupukaw ng pagkamalikhain, at pagsusulong sa inobasyon. Sa Google Visitor Experience, makakakita ka ng artwork ng Artist in Residence sa Cafe, the Huddle, at Google Store. Kasama sa mga artist sina Kelly Ording, John Patrick Thomas, Miguel Arzabe, at Angelica Trimble-Yanu, at nakabase silang lahat sa Bay Area.