Nakasentro sa isang partikular na uri ng puno ang isang mahalagang bahagi ng aming ecology strategy sa Gradient Canopy: ang mga oak. Dating napakarami ng oak, na mga iconic na puno sa landscape ng California, sa Silicon Valley. Ang mga katutubong oak ay drought-tolerant, fire-resistant, at mahusay sa pag-alis ng polusyon sa hangin at pag-absorb ng carbon mula sa atmosphere. Bukod pa rito, pinapanatili ng ecosystem ng kakahuyan ng oak ang ilan sa pinakamataas na diversity ng halaman at hayop sa California, na sumusuporta sa 2,000 karagdagang species ng halaman at humigit-kumulang 5,000 species ng insekto. Daan-daang ibon, mammal, at iba pang wildlife ang umaasa sa kayamanang dala ng mga kakahuyan ng oak para sa pagkain, lilim, at tirahan.
Nakipagtulungan kami sa mga lokal na siyentipiko para magdisenyo ng konektadong canopy ng puno para sa landscape na kinabibilangan ng mga oak, kasama ng iba pang katutubong species ng puno tulad ng buckeye, sycamore, at willow. Ang konektadong canopy ay gumagawa ng mga corridor para sa wildlife sa pamamagitan ng built environment at pinapagaan ang urban heat island effect.
Ang mga pagtatanim ng katutubong pollinator ay nagsisilbing understory sa mga katutubong puno ng Gradient Canopy, na nagbibigay ng mga resource para sa mga lokal na paruparo, ibon, at bubuyog. Idinisenyo ang isang bahagi ng landscape para partikular na suportahan ang populasyon ng western monarch butterfly, gamit ang pinakamahusay na available na agham para makuha ang tamang timpla ng mga milkweed na halaman, na sumusuporta sa mga itlog at caterpillar ng monarch, at mga bulaklak, na nagbibigay ng lakas sa mga paruparong bumabagtas dito sa kanilang mahabang pag-migrate.
Sa Gradient Canopy, pinaghalo namin ang pagtatanim ng katutubong pollinator at mga na-cultivate na garden bed at mga honey bee box para makamit ang Urban Agriculture Imperative ng Living Building Challenge, na naglalayong ikonekta ang komunidad sa sariwang pagkaing nagmula sa malapit. Nagsu-supply ang dalawang garden bed sa site ng produce para sa aming mga cafe at Googler teaching kitchen at nagbibigay ng demonstrasyon kung paano puwedeng gumana nang magkasama ang katutubong pag-landscape at produktibong paghahardin para sa mas matatag na lokal na produksyon ng pagkain.