Mga naisalbang materyal

Pagsasapriyoridad ng paggamit ulit ng materyal para sa positibong epekto sa kapaligiran.

5 minuto

Larawan: Mark Wickens.

Ang Curious the bear, na gawa ng Mr & Mrs Ferguson Art, ay isang higanteng sculpture ng grizzly bear na may balahibong gawa sa mahigit 160,000 pennies. Larawan: Mark Wickens.

Nagsisimula sa maliliit na desisyong ginagawa natin bawat araw ang landas tungo sa mas malinis at mas malusog na kinabukasan. Kaya naman palagi kaming naghahanap ng mga paraan para magkaroon ng positibong epekto sa kapaligiran at maging mas responsable sa aming paggamit ng enerhiya, tubig, at iba pang natural resource. Sa Gradient Canopy, ito ang dahilan kung bakit nagpasya kaming buuin ang gusali nang isinasaisip ang mga panuntunan sa paikot na disenyo, na tumutulong sa pagpapababa ng demand para sa mga limitadong natural resource. Nilalayon ng paikot na disenyo na panatilihing ginagamit ang mga materyales hangga't posible, kaya naman nagsama kami ng maraming naisalba at na-reclaim na materyales sa gusali.

Sa Gradient Canopy, nag-install kami ng mahigit 30 produkto mula sa mga naisalbang source sa buong gusali. Kasama rito ang na-reclaim na kahoy, mga bike rack, mga locker, carpet, at mga tile na mapupunta lang dapat sa landfill. Tumulong ang pagsasama sa mga naisalbang materyales sa sukatang ito na makuha ng gusali ang Petal certification sa Living Building Challenge (LBC) Materials ng International Living Future Institute (ILFI) na naglalayong tumulong na bumuo ng ekonomiya ng mga materyales na walang lason, nakakapagpanumbalik ng kalikasan, at transparent.

Dahil sa laki ng gusali, kinailangan naming bumuo ng ilang estratehiya para makuha ang mga na-reclaim na materyales sa makatwirang sukatan. Halimbawa, naging mahirap ang pag-source ng mga bagay na tulad ng mga na-reclaim na tile o carpet dahil kinailangan ng disenyo ng napakarami nito, at kinailangan nitong maging hindi pabago-bago pagdating sa mga dimensyon, kulay, at materiality.

Isang pangunahing estratehiya na ginamit namin ang muling paggamit ng mga item mula sa sarili naming stock ng mga naka-warehouse na materyales sa Google. Ang ibig sabihin nito ay tiningnan namin ang sarili naming stock sa attic. kasama ang sobrang bagong materyales na hindi ginamit sa mga nakalipas na proyekto, at mga item na inalis sa mga gusali bago magdemolisyon. Sa pagtingin sa kung ano ang mayroon kami, nagawa naming isama ang naisalbang carpet, tile, mga bike rack, mga ceramic na tile, at mga acoustic na ceiling tile.

Ang isa pang paraan kung paano namin na-incorporate ang mga naisalbang materyal ay ang paggamit ng na-reclaim na kahoy mula sa iba't ibang lokal na source. Halimbawa, ginamit namin ang kahoy na inalis sa panahon ng konstruksyon para gumawa ng mga upuan na nakakalat sa buong gusali. Naghanap din kami ng mga lokal na vendor na puwedeng mahatiran ng supply ng naisalbang kahoy, na ginamit para sa mga bagay gaya ng paneling ng pader sa mga storage area ng bisikleta at sahig sa Google Store.

Larawan: Mark Wickens

Ang sahig ng Google Store ay gawa sa naisalbang kahoy. Larawan: Mark Wickens.

Isa pang bahagi ng aming mga paikot na layunin sa disenyo sa Gradient Canopy ang nauugnay sa pagpapatupad ng mga mapanghamong layunin sa construction waste para maiwasan ang pagpapadala ng mga materyales sa landfill kapag posible. Mula Agosto 2023, na-divert namin ang mahigit 90% ng construction waste mula sa mga landfill, at binigyang-daan kami ng inisyatiba sa closed-loop wallboard na mag-recycle ng mahigit 550,000 pound ng drywall waste mula 2020 hanggang 2022.

Nakipagtulungan din kami sa Rheaply , isang kumpanya sa teknolohiyang pangklima na bumuo ng online na palitan para sa mga produkto para sa gusali at iba pang resource sa Bay Area. Binibigyang-daan ng Bay Area Reuse Marketplace ang mga negosyo sa rehiyon na ma-access ang mga sobra at na-reclaim na resource tulad ng muwebles, mga fixture, kagamitan, at iba pang materyales para sa gusali sa mga sulit na rate. Hindi lang kami nakatakdang maglagay sa network ng Rheaply ng mga sobrang materyales na binili mula sa Gradient Canopy. nakikipagtulungan din kami sa Rheaply para i-scale ang aming proseso ng panloob na paggamit ulit ng mga materyales sa Google. Sa halip na gumamit ng kumpikadong proseso kung saan naghahanap ng mga materyales at nagsasaayos ng timeline ang mga indibidwal na team para sa proyekto, naghahanap kami ng mga bagong paraan para i-streamline ang aming proseso para sa paggamit ulit at gawing normal ang circularity.