Pampublikong sining

Dahil sa mga upcycled at healthy na materyales, mas sustainable ang sining sa Gradient Canopy.

3 minuto

Ang artwork na Orb at Go sa Google Visitor Experience plaza.

Ang artwork na Orb at Go sa Google Visitor Experience plaza. Larawan: Iwan Baan para sa Google.

Sinisikap naming gumawa ng mga workspace na functional at maganda sa kalusugan na nag-aalok din ng mga sandali ng sorpresa at kasiyahan. Ito ang hindi nahahawakang third dimension na tumutulong sa amin na maging engaged, energized, at komportable sa pamamagitan ng pagpapaalala sa amin na tao kaming lahat. Ang sining ay isang nakakaengganyong paraan para mapakinabangan ang makataong elementong ito, at mula noong 2010 ay nagsimula kami ng ilang art program sa Google, kabilang ang aming internal na GoogleArts Program, ang aming Google Arts & Culture initiative, at ang aming Artist in Residence Program.

Sa Google Visitor Experience (na matatagpuan sa bagong Gradient Canopy office ng Google), may nakalaang pampublikong art program na nagpapaabot ng ganitong pag-iisip sa mas malawak naming komunidad sa Mountain View. Sa iba't ibang bahagi ng outdoor na pampublikong plaza at daanan ay may anim na pampublikong artwork na tumutulong na gawing masigla at nakakaengganyong lugar para sa lahat ang Google Visitor Experience.

Ang bawat artwork na nilikha ng mga artist mula sa iba't ibang lugar ay espesyal na idinisenyo para sa puwesto nito, na tumutulong sa pagtatatag ng mga pagtitipunan sa paligid ng gusali at nagpapasimula ng mga pagkakataon para sa paglalaro at masasayang experience. Kasabay nito, ipinagpapatuloy ng mga artwork ang mahigpit na layunin ng Gradient Canopy sa sustainability at materyales na maganda sa kalusugan dahil ang bawat artwork ay gawa sa mga materyales na Red List Free (ibig sabihin, iniiwasan ng mga ito ang mga sangkap na pinakamasama sa kalusugan ng tao at kalikasan) at sumusuporta sa mga pagsisikap sa hindi pagkakaroon ng anumang basura. Tulad ng mga materyales sa loob at sa gusali, nag-aambag ang mga artwork sa mga pagsisikap ng Gradient Canopy na makuha ang Petal certification sa Living Building Challenge (LBC) Materials ng International Living Future Institute (ILFI).

Pagdating sa paggawa ng konsepto ng pampublikong sining sa Gradient Canopy, ang naging layunin namin ay tumukoy ng nakakaengganyo at kakaibang sining na magiging dahilan para maging lugar na ie-explore at babalik-balikan ang outdoor plaza. Sa madaling salita, ang naging hangarin ay maging hindi parang sa museo ang sining at sa halip ay maging mga likhang tulad ng nasa Burning Man event sa Black Rock City, ang taunang pansamantalang lungsod sa disyerto ng Nevada na kilala dahil sa mga art installation nitong partikular sa lugar at nakakapukaw ng damdamin. Sa paghahanap ng partner na tutulong na gawing katotohanan ang sining sa plaza, nakipagtulungan kami sa non-profit na Burning Man Project para i-coordinate ang proseso ng pagpili ng sining na pinangungunahan ng komunidad. Dahil sa kanilang matinding paninindigan sa engagement sa komunidad, nababagay ang Burning Man Project sa layunin naming gumawa ng pampublikong sining na magiging interactive, magtutulak ng partisipasyon, at mag-aalok ng sama-samang experience ng malikhaing pagpapahayag.

Halo ng SOFTLab sa Google Visitor Experience

Halo ng SOFTLab sa Google Visitor Experience. Larawan: Mark Wickens.

Alam naming gusto naming pumili ng mga artwork na magiging kapaki-pakinabang sa mga lokal na komunidad at pati na rin sa Google. Sa tulong ng Burning Man Project, nagsagawa kami ng isang hanay ng mga session ng pakikinig sa komunidad at mga workshop sa pag-iisip ng disenyo na nag-imbita sa lokal na komunidad na magbigay ng opinyon sa sining na bubuo ng pinakamasisiglang espasyo ng komunidad. Sa pamamagitan ng mga pagtitipong ito, narinig namin ang mga kuwento ng komunidad tungkol sa pakikipagsapalaran at pag-usisa noong pagkabata, kung paano inaalam ng mga tao ang kanilang kinaroroonan sa pamamagitan ng mga palatandaan, at ang matinding paghahangad ng mga bagay na puno ng paglalaro. Marami ang naghangad ng mga interactive na artwork na hindi gaanong umaasa sa teknolohiya at sa halip ay sa mga nahahawakan at hands-on na experience. Inimbitahan din namin ang komunidad na bumoto sa mga pinal na artwork sa pamamagitan ng pampublikong website.

Curious ng Mr & Mrs Ferguson Art

Curious ng Mr & Mrs Ferguson Art. Larawan: Mark Wickens.

Sa isang international na panawagan sa mga artist na nakakuha ng mahigit 200 entry, ang napiling anim na pampublikong artwork ay tumulong na gawing konkreto at accessible na makataong experience ang mas malalaking layunin sa sustainability ng gusali. Ang bawat artwork ay ginawa gamit ang mga materyales na maganda sa kalusugan na sustainable ang pagkaka-source o kaya ay naisalba. Halimbawa, ang “Curious” na gawa ng Mr & Mrs Ferguson Art ay isang higanteng sculpture ng grizzly bear — ang opisyal na state animal ng California — na may balahibong gawa sa mahigit 160,000 penny. Sama-samang nag-aalok ang mga pampublikong artwork ng mga sandali ng sorpresa at kasiyahan at bumubuo ang mga ito ng mga lugar para matipon-tipon, magmuni-muni, at makakuha ng inspirasyon ang komunidad at mga Googler.