Sa Gradient Canopy, kung saan nakuha namin ang Materials Petal certification sa Living Building Challenge (LBC) ng International Living Future Institute (ILFI), pinakamahalaga ang paghahanap ng mga paraan para makagamit ng mga materyales na hindi toxic at nakakabuti sa ekolohiya. Dahil dito, nag-explore kami ng mga paraan para gumamit sa gusali ng mass timber na nakuha sa sustainable na paraan, para mapakinabangan ang mga regenerative at carbon-sequestering na katangian ng kahoy.
Ang mass timber ay isang technique sa konstruksyon na gumagamit ng kahoy na sama-samang na-compress para makagawa ng mga haligi, beam, pader, sahig, at bubong sa paraang makakabawas sa kabuuang carbon kumpara sa mga tradisyonal na diskarte sa pagbuo. Sa huli, kitang-kita ang mass timber sa loob ng gusali, at naging batayan sa ibang proyekto ng konstruksyon sa Google ang natutunan namin dito.
Medyo matagal na kaming interesado sa potensyal ng mass timber dahil nagtataguyod ito ng mas masisigla, mas produktibo, at visual na nakaka-inspire na workplace sa pamamagitan ng mga biophilic na kalidad nito. Ang Biophilia ay tungkol sa pag-integrate ng kalikasan sa disenyo para makagawa ng mga lugar kung saan uunlad ang mga tao, at hindi lang basta binabawasan ng pagkakaroon ng kakayahang magsama ng mga exposed na elemento ng kahoy sa loob ng gusali ang pangangailangang maglapat ng mga karagdagang materyales gaya ng mga coating at pintura, tinutulungan din nito ang mga tao na maging mas konektado sa kalikasan kahit na nasa loob ng gusali. Kaya nang sinimulan namin ang disenyo ng Gradient canopy, sa simula, pinag-isipan namin ang posibilidad na gumamit ng mass timber para sa buong istruktura ng gusali, at napag-alaman naming hindi posible ang mahahabang span na gusto namin, pero nagawa pa rin naming magsama ng kahoy sa ilan sa mga elemento ng istruktura sa loob ng gusali.
Sa Gradient Canopy, ang mga elemento ng mass timber ay nasa anyo ng mga miyembro ng cross-laminated timber (CLT), isang anyo ng na-engineer na kahoy na nagagawa sa pamamagitan ng sama-samang pagdidikit-dikit ng maraming layer ng solid-sawn timber para magkaroon ng mas matigas na istruktura. Nagsimula kami sa CLT bilang formwork (nagmomolde sa kung saan ibubuhos ang kongkreto) para sa pangalawang palapag ng mga kongkretong sahig, kung saan magbibigay ito ng kalakasan ng composite. Sa halip na alisin at itapon gaya ng karaniwang gawi kapag tuyo na ang kongkreto, isinama namin ito sa paraang hindi na aalisin ang CLT para magsilbing naka-expose na kisameng kahoy ng mga espasyo sa unang palapag at mga guardrail sa mga interior na courtyard. Kahoy din ang ginamit sa mga pinto at hamba ng pinto sa buong gusali, lalo na sa mga meeting pod at conference room. Dahil sa mga ito, nagawa ng team na makipagtulungan sa vendor para makakuha ng Declare label certificate para sa buong pagkakagawa ng pinto, na nakakatulong sa aming gawing priyoridad ang mga materyales ng gusali na nagpapakita ng mas ligtas na pag-angkop sa isang masiglang indoor na kapaligiran.