Mga healthy na materyales

Paggawa ng building na may pagtuon sa wellness at mga hindi nakakalasong materyales.

5 minuto

Larawan: Iwan Baan para sa Google.

Overhead na view ng Gradient Canopy at Google Visitor Experience, na ipinapakita ang dragonscale solar roof. Larawan: Iwan Baan para sa Google.

Ilang dekada na naming ine-explore kung paano idisenyo ang mga interior environment na pinakamaganda sa kalusugan. Mula sa mga kuwento ng mga founder ng Google na naglalakad sa mga una naming gusali nang nagsusukat ng indoor na kalidad ng hangin gamit ang mga handheld particle counter, hanggang sa pagsusuri sa libo-libong produkto sa loob ng ilang taon para masiguradong hindi kami naglalagay ng mga hindi kinakailangang lason sa mga na-retrofit na interior namin, matagal na kaming nakatuon sa paggawa ng mga workspace na maganda sa kalusugan. Ipinagmamalaki naming isa ang Gradient Canopy sa pinakamalalaking proyektong nakakuha ng Petal certification sa Living Building Challenge (LBC) Materials ng International Living Future Institute (ILFI) na naglalayong tumulong na bumuo ng ekonomiya ng mga materyales na walang lason, nakakapagpanumbalik ng kalikasan, at transparent.

Binigyan namin ng priyoridad ang mga materyales na maganda sa kalusugan ng mga tao at kalikasan sa Gradient Canopy at sa Google Visitor Experience. Ang bawat materyales na ginamit sa gusali ay sinuri kasama ng manufacturer para masiguradong wala itong sangkap na nasa Red List ng LBC, na kumakatawan sa pinakamalulubhang kemikal na negatibong nakakaapekto sa kalusugan ng tao at kalikasan. Sa kabuuan, mahigit 8,000 produkto ang sinuri sa Gradient Canopy, nang nakipagtulungan sa mga manufacturer na nakilahok sa pagsisikap naming magtaguyod ng transparency sa industriya ng gusali.

Ang diskarte namin sa mga materyales na maganda sa kalusugan sa Gradient Canopy ay hindi lang para sa mga indoor na espasyo at Googler na nagtatrabaho sa loob araw-araw. Sa pamamagitan ng pagtingin sa mga materyales sa loob at labas ng gusali, kabilang ang anim na pampublikong artwork na nasa paligid ng exterior ng gusali, binigyan namin ng priyoridad ang kalusugan ng mga komunidad sa buong supply chain at sa buong lifecycle ng aming mga produkto sa gusali. Ibig sabihin, ang mga materyales — mula sa mga bagay na nakikita at nahahawakan mo, tulad ng carpet at pader, hanggang sa mga hindi gaanong nakikita, tulad ng mga coating sa bintana at insulation ng gusali — ay maingat na sinuri kasama ng mga manufacturer ng mga ito para masiguradong isa ang kalusugan sa mga dahilan kung bakit ito ang napili.

Iwan Baan para sa Google.

Ginagamit ang mga healthy na materyales sa buong gusali, gaya ng mass timber cross-laminated wood, mga window coating, carpet, drywall, at higit pa. Larawan: Iwan Baan para sa Google.

At hindi lang ito tungkol sa gusaling ito at sa mga materyales na ginamit dito. Bilang pagsisikap na magtaguyod ng pagbabago sa industriya ng mga materyales, hinikayat ng Gradient Canopy team ang mga manufacturer na maglagay ng mga Declare label sa kanilang mga hanay ng produkto, partikular na sa mga industriya at kategorya ng produkto kung saan hindi masyadong karaniwan ang transparency sa materyales. Nagbibigay ang mga ito ng mga malinaw at nagbibigay-kaalamang “nutrition facts” para sa mga produkto sa gusali na walang kemikal na nasa LBC Red List at na-source sa responsableng paraan. Halimbawa, marami sa mga kahoy na pinto at frame na ginamit sa proyekto ay nakakuha ng Declare label na wala sa mga produktong ito noong simula ng proyekto.

Larawan: Mark Wickens

Ang artwork na Go ni Hou de Sousa ay nagtatampok ng Declare label dahil ginawa ang mga disc mula sa red list free plastic. Larawan: Mark Wickens

Sa huli, ang ibig sabihin ng pag-abot sa mga layunin sa mga materyales na maganda sa kalusugan sa Gradient Canopy ay ang pagtanggap na bahagi tayo ng mas malawak na pandaigdigang komunidad ng pagmamanupaktura at mga resource. Dahil sa mahihigpit na pamantayan sa mga materyales ng LBC, kinailangan ang pag-engage sa buong pangkat ng proyekto para maging magkakatugma sa mga layunin at manatiling bukas sa pag-angkop para maging mga hindi nakasanayang solusyon ang kanilang mga nakasanayang proseso at pamamaraan. Ang pagtataguyod ng mga ugnayan sa pagitan ng mga designer, manufacturer, subcontractor, mangangalakal, at construction worker ay nakatulong sa buong team na maging komportable sa pagiging transparent sa kanilang mga proseso at pamamaraan at maging bukas sa pagkatuto mula sa isa't isa. Ngayong lumipat na ang mga miyembro ng team na ito sa mga bagong proyekto sa iba't ibang bahagi ng rehiyon at bansa, umalis sila nang may matatag na kasanayan sa pagsusuri at pagdidisenyo gamit ang mga materyales na maganda sa kalusugan para sa konstruksyon sa hinaharap.