Karaniwan, walang kamangha-manghang arkitektura ang mga parking — tinutugunan ng mga ito ang isang functional na layunin sa isang lipunan na, para sa marami, nakadepende pa rin sa mga kotse para ihatid ang mga tao sa kanilang destinasyon. Pero habang tinitingnan natin ang isang posibleng hinaharap kung saan mas kaunti ang mga kotse at mas maraming sustainable na paraan ng transportasyon, na makakatulong sa pagbabawas ng mga carbon emission at pagsikip ng trapiko, malamang na mabawasan ang pangangailangan para sa mga parking. Posibleng hindi na kailanganin at gibain ang mga single-use na parking, na magreresulta sa mas maraming basura, mas mataas na carbon, at mas mahal na gastusin. Ito ang dahilan kung bakit sadyang idinisenyo ang bagong Alta Garage ng Google sa Mountain View na hindi maging parking sa hinaharap – at handa itong ma-convert sa komersyal na paggamit, residensyal na paggamit, o paggamit ng komunidad sa tamang panahon.
Ang ideya ay tinatawag na future-proofed na parking: Habang nagbabago ang mga pangangailangan ng lipunan sa paglipas ng panahon, ganoon din ang Alta Garage. Kailangan ng higit pang opisina, pabahay, amenidad, o espasyo para sa event? Puwedeng mag-transition ang Alta Garage sa alinman sa mga iyon habang nababawasan ang demand para sa parking. At kaya nitong gawin iyon sa paraang ginagawang mas mababa ang mga gastusin, nakakatipid ng oras, binabawasan ang basura, at pinapataas ang sustainability.