Sa Google Visitor Experience sa Gradient Canopy, magiging accessible sa publiko ang isang mahalagang aspeto ng kultura ng Google: ang aming food program. Ang bagong Cafe @ Mountain View ang pinakauna naming pampublikong experience sa pagkain, na nagbibigay-daan sa komunidad na makabili ng pagkain at makibahagi sa aming mga priyoridad sa sustainability at alituntunin sa pagsuporta sa planeta.
Simula 1999, naging malaki ang ginampanang tungkulin ng aming food program sa pagpapalago ng kultura ng Google sa pagiging malikhain, pakikipagtulungan, at komunidad. Sa pag-aalok ng mga masarap at malusog na pagkain sa mga masisiglang space, sinisikap naming suportahan ang koneksyon ng mga tao at ang palitan ng mga ideya. Naging inspirasyon ang aming mga pagkain sa maraming inobasyon — kasama na ang Gmail, na nagmula sa pag-uusap habang nagtatanghalian sa isa sa mga cafe namin.
Komunidad ang palaging sentro ng food program ng Google, sa paggawa nito sa aming mga campus at pati na rin sa pagkonekta sa mas malalawak naming rehiyon sa pamamagitan ng pagso-source at paghahanda ng pagkain. Isa sa aming pangunahing prinsipyo sa pagluluto ay ang pag-aalaga sa komunidad, na nangangahulugang nauunawaan namin na may epekto ang mga gagawin naming desisyon sa pagkain na makakaabot sa loob at labas ng Google. Mula sa mga menu na ginagawa namin, hanggang sa pinagbibilhan namin ng pagkain, hanggang sa kung paano namin ito inihahanda, palagi naming pinag-iisipan kung paano makakagawa ng positibong epekto ang aming food program sa mga lokal na daloy ng supply at sa mas malawak na mundo.
Pinapamunuan ng aming food program ang mga makabagong pakikipagtulungan at inisyatiba sa sustainability para magpasimula ng mga positibong pagbabago at ihanda ang daan para sa hinaharap ng mas magagandang sistema ng pagkain. Nagdidisenyo ang aming mga culinarian ng mga pagkaing kumuha ng inspirasyon sa mga lokal at seasonal na sangkap, salamat sa mga koneksyon namin sa mga lokal na supplier. Maingat naming sinusuri ang mga supplier ng sangkap at nakikipag-tulungan kami sa mga nakakatugon sa aming mga prinsipyo, kasama na ang sustainability, samu't saring pagmamay-ari ng negosyo, at pagpapalakas ng komunidad. Para bawasan ang aming carbon footprint, binibigyan namin ng priyoridad ang mga supplier na nagsasagawa ng regenerative agriculture, upcycling, at minimal na packaging. Pinipili rin namin ang mga lokal na produkto kaysa sa mga air-freighted na produkto hangga't posible. Sa ganitong paraan, itinutulak namin ang industriya ng pagkain at inumin papunta sa mga responsableng gawi na mas maganda para sa kalikasan at mga komunidad na nag-aalaga sa atin.
Bukod sa pagso-source ng mga sangkap, pinagtutuunan namin ang dalawang mahalagang gawi sa sustainability sa aming food program: pagbabawas ng nasayang na pagkain at ang pag-alis sa mga single-use plastic. Alam naming humigit-kumulang 35% ng lahat ng pagkaing ginawa para sa tao, o humigit-kumulang 133 bilyong pound ng pagkain, ang nasasayang bawat taon. Para suportahan ang mga layunin sa sustainability ng Google, layunin naming magpadala ng zero food waste sa landfill sa 2025. Paano? Mayroon kaming paraang may tatlong hakbang na nakatuon sa pag-iwas sa pagsasayang sa panahon ng pag-source at pagkuha ng pagkain, pagpapahusay sa aming mga kusina at cafe gamit ang teknolohiya para bawasan ang pagsasayang sa mga operasyon namin sa kusina, at pagtitiyak na ire-repurpose o itatapon nang maayos ang sobrang pagkain. Mula 2014 hanggang 2021, naiwasan naming makapasok ang mahigit 10 milyong pounds ng pagkain sa pagpasok sa mga landfill.
Nagsusumikap din kaming bawasan ang plastic sa mga lugar namin sa pagkain. Bumibili kami nang maramihan at pumipili kami ng mga produktong may makabago at minimal na packaging kung posible, at nagsimula kaming gumamit ng mga wire cage para magbiyahe ng mga produkto. Tiningnan din namin kung paano kami makakagamit ng bagong yogurt bar experience para palitan ang mga single-use na yogurt cup at magbigay ng mga merienda sa mga bulk bin container para maiwasang mapunta sa mga waste stream ang mga single-use packaging.