Bird-friendly na disenyo

Binabawasan ang panganib para sa mga ibon sa pamamagitan ng gusaling nakikibagay sa palibot nito.

3 minuto

Gusali ng Gradient Canopy na napapalibutan ng puno

Gusali ng Gradient Canopy na napapalibutan ng puno. Larawan: Iwan Baan para sa Google.

Sa Gradient Canopy, isang layunin ay ang bumuo ng site ng proyekto sa paraang nag-i-integrate ito sa landscape at ginagawa itong mas resilient sa paglipas ng panahon. Para sa amin, ang ibig sabihin ng “resilient” ay mga lugar na nag-aambag sa pangmatagalang ecological health ng rehiyon, kung saan puwedeng umunlad ang mga tao at wildlife kahit na habang nagbabago ang klima. Sa Gradient Canopy, nagsikap kaming ipanumbalik ang mga dating elemento ng ecosystem na nagbibigay ng kritikal na suporta para sa wildlife. Gayunpaman, nauunawaan naming may mga panganib para sa wildlife sa isang urban environment, lalo na para sa mga lokal na ibon tulad ng mga songbird, sparrow, hummingbird, at warbler, kaya naman idinisenyo namin ang Gradient Canopy nang may ilang bird-friendly na strategy.

Posibleng magkaroon ng matinding epekto sa mga populasyon ng ibon ang salamin sa mga gusali, kaya naging mahalagang idisenyo ang gusali, landscape, at ilaw sa Gradient Canopy para umayon sa LEED Innovation in Design Credit: Bird Collision Deterrence para mabawasan ang mga pagbangga ng ibon sa gusali.

Para maunawaan ang pinakamahusay na paraan para maisama ang mga elemento ng disenyong ligtas para sa ibon, nakipagtulungan kami sa mga consultant sa ekolohiya na sina H.T. Harvey & Associates para masunod ang mga nangungunang pamantayan at rekomendasyon para sa mga gusaling ligtas para sa ibon Sa huli, naglagay kami ng bird-friendly na disenyo sa dalawang pangunahing paraan sa Gradient Canopy: una, sa pamamagitan ng pagbabawas ng reflectivity at transparency sa salamin ng gusali, at pangalawa, sa pamamagitan ng pagbabawas ng light pollution ng gusali sa gabi sa pamamagitan ng mga solusyon sa pag-iilaw sa loob at sa labas.

Hindi nakikita ng mga ibon at tao ang salamin, pero natutunang makita ng mga tao ang salamin sa paglipas ng panahon sa pamamagitan ng mga visual na pahiwatig tulad ng mga frame ng bintana at reflectivity. Pero sa kabilang banda, wala masyadong depth perception ang mga ibon at kadalasang napagkakamalan ng mga ito na tunay ang mga reflection ng landscape o kalangitan. Puwede ring magdulot ng pagbangga ang transparency sa salamin kung makakita ang ibon ng mga halaman sa mga sulok na salamin o mga halaman sa loob ng gusali. Sa madaling salita, kapag mas ipinapakita ng salamin ng isang gusali ang mga halaman o langit, sa pamamagitan man ng transparency o reflectivity, mas tumataas ang insidente ng pagbangga ng mga ibon.

Sa Gradient Canopy, ang una naming solusyon ay ang pag-source ng mga salaming may mas mababang reflectivity index. Mas pinapadali ng mga kamakailang pag-usad sa teknolohiya at paggawa ng salamin na magkaroon ng mas mababang reflectivity sa labas nang hindi nakokompromiso ang pagtaas ng init mula sa araw, na nakatulong sa amin na makapag-source ng mas magandang salamin para sa maraming bintana at façade ng gusali. Posible ring makabawas nang husto sa dami ng pagkamatay ng mga ibon ang paglalagay ng magkakalapit na nakikitang marka sa salamin, tulad ng mga decal o naka-embed na ceramic na "frit" dahil makikita ng mga ibon na balakid ang mga marka at hindi na susubukan ng mga ito na lumipad sa mga ito. Pumili kami ng mga markang may dense na pattern na sumusunod sa pinakabagong gabay ng American Bird Conservancy, na naglalayong magbigay ng higit pang proteksyon para sa kahit na ang pinakamaliliit na hummingbird. Sa Gradient Canopy, idinisenyo namin ang frit sa mga pampublikong lugar bilang word puzzle, kung saan naka-print nang magkasama sa salamin ang mga pangalan ng 30 iba't ibang lokal na species ng ibon sa 30 wika. Isa itong “Easter egg” na nagdaragdag ng elemento ng kasiyahan at pagtuklas sa isang lubos na functional elemento ng disenyo na ligtas para sa ibon.

Bird frit na idinisenyo gamit ang 30 iba't ibang species ng lokal na ibon sa 30 wika.

Bird frit na idinisenyo gamit ang 30 iba't ibang species ng lokal na ibon sa 30 wika. Larawan: Iwan Baan para sa Google.

Panghuli, idinisenyo namin ang pag-iilaw sa Gradient Canopy para mabawasan ang mga pagbangga ng ibon. Sa gabi, posibleng makagambala sa mga ibon at sa lokal na habitat ang maliwanag na ilaw, at posibleng maging partikular na nakakapinsala sa mga populasyon ng mga ibon na nagma-migrate sa gabi. Binawasan namin ang light pollution sa Gradient Canopy sa pamamagitan ng hindi pag-iilaw sa gusali o sa mga nakapaligid na halaman, at paghaharang sa mga panlabas na fixture para hindi mailawan ang habitat. Nagkabit din kami ng mga window blind na sarado sa gabi, at naglagay kami ng sensor ng occupancy sa gabi sa lahat ng ilaw sa loob para matiyak na mag-o-on lang ang mga ilaw kung may gumagamit sa espasyo.

Para matiyak na gumagana ang aming mga elemento ng disenyo na ligtas para sa ibon sa Gradient Canopy at na puwede kaming gumawa ng mga adjustment kung kinakailangan, gumawa din kami ng tatlong taong plano sa pagsubaybay para subaybayan ang anumang pagbangga ng ibon sa mga istruktura ng gusali at site sa pamamagitan ng mga regular na paglilibot at pag-oobserba sa perimeter ng gusali. Sa kabuuan, umaasa kaming ang paglalagay ng disenyong ligtas para sa ibon ay makakatulong sa aming mga gusali na mas mahusay na makapag-integrate sa kapaligiran nito, na makakapagpataas sa kakayahan ng wildlife at mga tao na mamuhay nang magkakasama sa paraang maganda sa pakiramdam.