Planuhin ang Iyong Pagbisita

Bisitahin kami sa Google Visitor Experience

Pumunta sa Google Visitor Experience anumang oras na bukas kami. Hindi kailangang magparehistro nang maaga maliban kung para ito sa nakaiskedyul na event na may limitadong kapasidad.

Lunes hanggang Sabado

Google store
9:00 a.m. - 7:00 p.m.
Huddle, Cafe, Pop-Up Shop
9:00 a.m. - 6:00 p.m.

Linggo

Google store
10:00 a.m. - 6:00 p.m.
Huddle, Cafe, Pop-Up Shop
10:00 a.m. - 5:00 p.m.
place

Paano makarating dito

Naging tahanan ng Google ang Mountain View sa loob ng higit sa dalawang dekada, kaya hindi nakakagulat na dito mahahanap ang kauna-unahang Google Visitor Experience.

Maraming paraan para makarating sa Google Visitor Experience, nagmamaneho ka man, sumasakay sa pampublikong transportasyon, o nagbibisikleta.

Kumuha ng mga direksyon directions

Transportation Tips

directions_car

Pagmamaneho at pagpa-park

directions_bus

Pampublikong Transportasyon

pedal_bike

Parking ng Bisikleta

local_taxi

Rideshare

Free parking is available at:

  • Shoreline Amphitheatre Parking Lot C (directions) is located north of the Google Visitor Experience at 1 Amphitheatre Pkwy (~4 minute walk). Lot C is closed on concert days, so we recommend parking at Alta Garage on these days.
  • Alta Garage (directions) is located at 1001 Alta Ave (~8 minute walk). EV charging is available at Alta Garage.
  • ADA parking is available at both Lot C and Alta Garage. Additionally, an ADA-accessible drop off zone is located at the western building entrance in front of the Google Store.

Take a virtual look around

The below video was created using Google Street View technology, and offers a look inside the Google Store, Cafe, and Huddle. You can also visit Google Maps to explore Street View of the public spaces and art.

Video preview image

Take a virtual look around

Ang mga tanong mo, nasagot

Makahanap ng mga sagot sa mga madalas na itanong tungkol sa Google Visitor Experience.

Kailangan ko bang magbayad para sa Google Visitor Experience?

Libreng bumisita sa Google Visitor Experience! Puwede kang pumunta para i-explore ang mga lugar anumang oras sa loob ng mga oras na bukas, at libreng dumalo sa mga event sa Google Store, Huddle, at plaza. Kung interesado ka, puwede kang bumili ng mga pagkain at inumin sa Cafe, produkto sa Google Store, at item sa Pop-Up Shop.

Puwede ba akong magdala ng sarili kong pagkain at inumin sa Google Visitor Experience?

Oo, puwede kang magdala ng sarili mong pagkain at non-alcoholic na inumin para ma-enjoy sa outdoor plaza o malapit na Charleston Park. Pakitandaang nakareserba ang indoor at outdoor na patio seating sa Google Visitor Experience para sa mga bumibili ng mga pagkain at inumin sa Cafe.

Kailangan ko bang mag-RSVP para bumisita?

Hindi! Puwede kang bumisita anumang oras sa mga oras na bukas. Kung dadalo ka sa event, inirerekomenda naming mag-RSVP ka dahil may limitadong space ang ilang event.

May allergy ako sa pagkain. Makakakain ba ako sa Cafe?

Sineseryoso namin ang mga allergy sa pagkain at gusto naming maging panatag ka habang kumakain sa amin. Gamit namin ang mga restaurant-style na paglalarawan at pagpapangalan para magbigay ng impormasyon tungkol sa mga pangunahing sangkap, at ikagagalak naming sagutin ang mga dagdag na tanong tungkol dito at magbigay ng mga label ng produkto para masuri mo kapag hiniling mo. Nagluluto kami mula sa umpisa sa aming mga kusina at pinag-iingatan ang mga pagkaing pinagmumulan ng lahat ng nangungunang allergen. Madalas na nagbabago ang aming mga menu, at posibleng baguhin ng mga manufacturer ang mga formulation ng produkto nang hindi namin nalalaman. Dahil dito, ang aming mga chef at manager ang pinakamagandang source ng real-time na impormasyon tungkol sa kung ano ang ginamit sa araw na iyon sa pagluluto. Pakiabisuhan ang isang miyembro ng team kung may mga tanong ka at ikagagalak nilang tawagin ang isang manager na makakatulong sa iyo.

Accessible ba ang Google Visitor Experience?

Oo! Mayroong ramp papaakyat sa Google Visitor Experience mula sa kanlurang entrance, at ADA accessible ang mga pintuan.

Puwede bang magdala ng mga alagang hayop?

Pinapayagan ang mga service animal sa Cafe at Huddle. Ang Google Store at outdoor plaza ay dog friendly.

Isa ba itong aktwal na visitor center tungkol sa kasaysayan at brand ng Google?

Nakatuon ang Google Visitor Experience sa pagtitipon sa komunidad, mga bisita, at mga Googler sa pamamagitan ng mga space at programang idinisenyong magtaguyod ng koneksyon. Bagama't walang karaniwang visitor center, mae-enjoy ng mga bisita ang Google Store at iba pang space na nagtatampok sa brand ng Google sa pamamagitan ng mga produkto, merchandise, at event.

May mga guided tour ba ng Google Visitor Experience?

Bagama't hindi kami nag-aalok ng mga guided tour ng Google Visitor Experience, puwede mong i-explore ang mga pampublikong amenity anumang oras na bukas kami at puwede kang sumangguni sa pansariling guided tour na pamphlet na ito.

May available bang Wi-Fi sa Google Visitor Experience?

Oo! May available na pampublikong Wi-Fi sa Huddle, Cafe, at Google Store.

Nasaan ang parking?

Available ang libreng parking sa Shoreline Amphitheatre Parking Lot C at Alta Garage. Mag-scroll pataas sa seksyong Pagpunta rito para makahanap pa ng mga detalye sa mga lokasyon ng parking.

Paano ako makakapag-book ng event sa Huddle?

Posibleng kwalipikado kang i-book ang event space ng Huddle kung isa kang lokal na grupo ng komunidad o nonprofit. Mangyaring sumangguni sa page ng pag-book ng Huddle para sa higit pang impormasyon.

May tanong ako na hindi sinagot dito. Kanino ako makikipag-ugnayan?

Direktang makipag-ugnayan sa amin sa visit@google.com

May tanong?

Makipag-ugnayan sa amin kahit kailan sa